Nabiktima ka na din ba ng mga salitang ito?
![]() |
http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/ |
![]() |
http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/ |
![]() |
9GAG.COM |
Sigurado akong lahat tayo ay
nakapagsinungaling na. Lahat tayo ay nakaranas ng manloko sa ating kapwa sa
pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan.Ngunit ano nga ba ang dahilan ng mga ito?
Ang katanungang ito ay ang tinangkang
ipaliwanag nina Buller, D.b., at Burgoon, J.K. sa kanilang teoryang Interepersonal Deception. "Interpersonal" na nangangahulugang komunikasyon na nangyayari
at nagaganap sa pagitang ng dalawa o higit pang tao at “deception” na sa
tagalong ay anumang uri ng pandadaya. Mula sa dalawang kahulugan na ito o sa medaling salita, ang teorya ay tumutukoy sa mga pandadaya o pagsisinungaling na madalas nating marinig mula sa maliit hanggang sa malalaking usapan ng mga tao. Ito ay
nagaganap kapag ang tagapagsalita ay naghahatid ng isang mensahe na may bahid
ng kasinungalingan sa tagatanggap ng mensahe. Kadalasan, ang mga taong
nandadaya ay nagmamanipula ng impormasyon na naidedeliber sa isang tapat at
maayos na pamamaraan.
Sinasaad din sa teoryang ito na hindi
lahat ng porma ng pagsisinungaling ay nananatiling lihim. Kadalasan, may mg abutas
o tagas pa din ang mga ito o sa madaling salita, nabubunyag o nabubulgar. Ayon
sa “Leakage Hierarchy” nina Miron Zuckerman at Robert Driver, maaaring
makapandaya tayo sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon (pasalita man o
pasulat) ngunit maaari din na kakitaan tayo ng butas sa pamamagitan n gating
pisikal na galawan (Hal: sobrang pagkakatitig sa mata ng kausap, patingin
tingin sa kawalan, paulit ulit na kilos at ang biglaang pagbilis o pagbagal ng
pananalita.)
Mula sa aking nasaliksik at nalaman,
masasabi ko na ang teoryang ito ay maaaring masabi bilang isang teoryang
humanistic. Tungkol sa tao at para sa tao. Sa kabilang banda, hindi
ako ganun kakumbinsido s akatumpakan ng paraan para malaman kung ang isang tao
ay nagmamamnipula ng impormasyon. Lahat ng tao ay inconsistent pagdating sa kilos
at galaw. Bandang huli, ang taong naghahatid ng mensahe lamang ang
makakapagsabi kung siya ay nagsisinungaling o hindi.
Ngunit bumalik tayo sa pinakamalaking
tanong na walang lubusang kasagutan : Bakit nga ba tayo nagsisinungaling? Sa
tingin ko ay hindi na natin kailangang iasa sa teorya ang sagot. Sapagkat ang
dahilan ay natatago sa motibo ng tao sa kanyang ginagawang pandaraya.
Naniniwala ako na gaya ng libog,
pagkain, pag-inom at kung ano-ano pa, ang pagsisinungaling ay isa ring “human
nature”. Parte
na ng ating katauhan.
PAKITAMA LANG PO: interepersonal, pagitang, medaling, nadedeliber [naihahatid], mg abutas, n gating, ganun [ganoon], s akatumpakan, nagmamamnipula, inconsistent [pabagu-bago, paiba-iba]. Maayos naman ang pagkakasulat. Nabitin lang ako doon sa "pagsisinungaling ay isa ring 'human nature'". Na-iintriga ako doon. Maganda sana kung may kaunti pang elaboration doon.
TumugonBurahinPoint taken Kirs :) Thanks!
BurahinSinabi na lahat ni Kirsten ang dapat kong iki-comment. hihi Mag-iinterpersonal deception din sana ko kaso medj nakakumay na. hahaha Go Grace. xx
TumugonBurahinSundin ang unang komento. Whahahah :D
TumugonBurahinkapag tapat ka, malaya ka. #honesto
TumugonBurahinhahaha. hindi nakakatamad basahin dahil nakakarelate ako. konting ayos na lang, "sundin ang unang komento" hahaha
Good. Good. There's a whole lotta thing to learn. I like the way you concluded it with the thing that lying is human nature. Well, kinda but yeah. It cant be denied. But all in all it's good. I honestly thought at first that it would go English but, well, you gave it justice.
TumugonBurahinMaraming mali sa mga spellings mo. "Sundin mo ang unang komento!" Haha. At tsaka, magdagdag ka pa ng kahit konti pang mga experiences mo tungkol sa theory. :))
TumugonBurahin1
TumugonBurahinMasaya akong maikli lang siya! :)
2
Proper citation please.
3
Pakitama ang mga spelling. Matutong mag-proofread.
4
Maikli nga - pero medyo cluttered ang thoughts mo. May pakiramdam ako na kumbaga sa isang grupo, hindi magkakagrupo ang mga talata mo - para silang may LQ lahat - hindi magkakatugma at parang walang patutunguhan. Paki-ayos ang thoughts please. Be thematic. Nonetheless, good job! :)
Wala na 'kong ma-comment, nasabi na ni Kirsten. :)
TumugonBurahinProper citation! Pero kulang din ako sa proper citation. Haha panindigan mo pagtatagalog mo linisin mo pa. :))
TumugonBurahinCitation, citation, citation. Hahaha. Pero maganda ang pagkaka ayos ng mga punto mo sa teorya, yun lang :)
TumugonBurahinMay mga maling gamit po ng (ano bang tawag sa mga to?) ng, na, etc
TumugonBurahinMay mga misspelled words din po. Proofread palagi bago mag-publish :)
Maganda naman ang crtitc mo per se. Maayos mong naipahayag ang palagay mo sa teorya. Konting-konting ayos na lang ang kailangan :D
Pwede pa pong i-develop pero ok lang din naman kung hindi. Konting ayos na lang sa ibang mga salita.
TumugonBurahin