Miyerkules, Disyembre 25, 2013

Litanya - sa pagitan ng mga salita

                   Nabiktima ka na din ba ng mga salitang ito?

Retrieved December 16, 2013
http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/

Retrieved December 16, 2013
http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/



Retrieved December 16, 2013
9GAG.COM

    Sigurado akong lahat tayo ay nakapagsinungaling na. Lahat tayo ay nakaranas ng manloko sa ating kapwa sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan. Ngunit paano ba natin maipapaliwanag ito?

          Ang katanungang ito ay tinangkang ipaliwanag nina Buller, D.b., at Burgoon, J.K. sa kanilang teoryang Interpersonal Deception. "Interpersonal" na nangangahulugang komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao at “deception” na sa tagalong ay anumang uri ng pandadaya. Mula sa dalawang kahulugan na ito, ang teorya ay tumutukoy sa mga pandadaya o pagsisinungaling na madalas nating marinig mula sa maliit hanggang sa malalaking usapan ng mga tao Ito ay nagaganap kapag ang tagapagsalita ay naghahatid ng isang mensahe na may bahid ng kasinungalingan sa tagatanggap ng mensahe. Kadalasan, ang mga taong nandadaya ay nagmamanipula ng impormasyon na naipapahayag sa isang tapat at maayos na pamamaraan. 

          Sinasaad din sa teoryang ito na hindi lahat ng porma ng pagsisinungaling ay nananatiling lihim. Kadalasan, may mga butas o tagas pa din ang mga ito o sa madaling salita, nabubunyag o nabubulgar. Ayon sa “Leakage Hierarchy” nina  Miron Zuckerman at Robert Driver, maaaring makapandaya tayo sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon (pasalita man o pasulat) ngunit maaari din na kakitaan tayo ng butas sa pamamagitan ng ating pisikal na galawan (Hal: sobrang pagkakatitig sa mata ng kausap, patingin tingin sa kawalan, paulit ulit na kilos at ang biglaang pagbilis o pagbagal ng pananalita.)

          Mula sa aking nasaliksik at nalaman, masasabi ko na ang teoryang ito ay maaaring masabi bilang isang teoryang humanistic.  Tungkol sa tao at para sa tao. Sa kabilang banda, hindi ako ganun kakumbinsido sa katumpakan ng paraan para malaman kung ang isang tao ay nagmamamanipula ng impormasyon. Lahat ng tao ay paiba-iba pagdating sa kilos at galaw. Bandang huli, ang taong naghahatid ng mensahe lamang ang makakapagsabi kung siya ay nagsisinungaling o hindi.

          Ngunit bumalik tayo sa pinakamalaking tanong na walang lubusang kasagutan : Bakit nga ba tayo nagsisinungaling? Sa tingin ko ay hindi na natin kailangang iasa sa teorya ang sagot. Sapagkat ang dahilan ay natatago sa motibo ng tao sa kanyang ginagawang pandaraya.

          Naniniwala ako na gaya ng libog, pagkain, pag-inom at kung ano-ano pa, ang pagsisinungaling ay isa ring “human nature”. Kung saan lahat tayo ay nakakagawa, ginusto man natin o hindi. Parte na ng ating katauhan. Hindi na mawawala, gaano man natin iwasan.

  Tama o Mali?



Sources :
Interpersonal Deception. Honors : Communication Capstone Spring 2001 Theory Workbook. Retrieved December 16, 2013 from http://www.uky.edu/~drlane/capstone/interpersonal/deception.html

Deepa Majahan, et al. Interpersonal Deception Theory. Retrieved December 16, 2013 from http://www.angelfire.com/trek/voyager7/

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento