Martes, Marso 4, 2014

Kahit Saan : Dekonstruksyon sa Tula

ni Jose Corazon De Jesus

Kung sa mga daang nilalakaran mo,
may puting bulaklak ang nagyukong damo 
na nang dumaan ka ay biglang tumungo 
tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .
Irog, iya’y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,
nilalapitan ka at titingin-tingin,
kung sa iyong silid masok na magiliw 
at ika’y awitan sa gabing malalim. . .
Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa 
at sa langit nama’y may ulilang tala 
na sinasabugan ikaw sa bintana
ng kanyang malungkot na sinag ng luha
Iya’y ako, Mutya!

Kung ikaw’y magising sa dapit-umaga, 
isang paruparo ang iyong nakita 
na sa masetas mong didiligin sana 
ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .
Iya’y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka’t sa matang luhaan 
ng Kristo’y may isang luhang nakasungaw, 
kundi mo mapahid sa panghihinayang 
at nalulungkot ka sa kapighatian. . .
Yao’y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,
akong totohanang nagmahal sa iyo; 
hindi kalayuan, ikaw ay tumungo 
sa lumang libinga’t doon, asahan mong. . .
magkikita tayo!

Teoryang Imahismo ang gagamitin ko para sa tulang ito. Ang teoryang ito ay gumagagamit ng mga imahe at tumutukoy sa kabuluhang pangkaisipan at damdamin na nakapaloob sa akda.

Ang tulang ito ay para sa isang babae na lubhang iniibig ng makata sa tula. Inihalintulad ng manunulat ang kanyang sarili sa mga imahe ng puting bulaklak, ibon, ulilang tala, paru-paro, at luhang nakasungaw. Mabubuo mula sa mga imahe ang larawan ng isang babaeng nangungulila sa kanyang minamahal. Sa huling taludtod ng tula, mabubunyag, na ang makata ay patay na at nakalibing na sa kanyang hukay.

Martes, Pebrero 18, 2014

Le Memoire!

Manila isn't just a busy buzzling city with tall buildings, night markets and overcrowded landmarks.
Somewhere in the landscape, it instills prehistoric memories! Looking back before modernization takes place, Manila is an ancient and very vintage-looking center of trade and industry in the country.


Hi, I'm Grace Joy, yout travel blogger and this is my trip to Intramuros, with friends! :)

Intramuros is a huge landscape full of different landmarks, schools and restaurants. So if you're a first timer or a regular visitor of the place, nothing is as great as a calesa ride as a roaming service around the historic place.




(Left to Right - Veronica, Grace, Janne, and Michael) 



This is our very cutie calesa service, Piolo :)



These were my awesome co-wanderers around Intramuros!  During the ride, these are the following stop-overs that we've seen and been for awhile.


The famous Manila Cathedral which is obviously under renovation.
San Augustine Church


Hey it's me. :)

This church is so classy! Have you seen its doors? Oh, so vintage! Unfortunately, when we get there, the doors were closed obviously for the mass supposed to start at 5pm.

The San Diego Gardens with an entrance fee of P50. Not bad for the nature stuff inside the walls of Intramuros!
One the most visited area in the place. The famous Fort Santiago! By the way, it's the entrance of the area.
Galeria De Los Presedentes De La Republica Filipina (Gallery of the Presidents of the Philippines)




Selfie mode on the view! :)
After the very overwhelming calesa ride, this time we've found places with the cheapest transportation ever, W-A-L-K-I-N-G.

See where it takes us? Here in this really fantastic hotel in the walled city.
 
White Knight Hotel Intramuros is very classy and luxurious at the same time. The ambiance is so great and the view is, well what can I say?

Me and Janne. Welcome!

Oh so vintage!


Photo bomber Janne! Hahaha.
Beside me is a fountain. Really.


Want souvenirs! Here's one for you.




This very classy souvenir shop stores very affordable souvenir items!

After a long and tiring but overwhelming walkathon, it's a must to eat and enjoy any native dish around Intramuros.



Breaded Chicken Fillet on Bento meals. It's not your ordinary chicken fillet! At fifty-five(55) pesos only, it will satisfy the growl of your stomach. So, if you're looking for a shop that's affordable and savory, Nakamura Eatery is a perfect place for you!

So, that was it! My tour around Intramuros is over! It's a very new and fresh adventure I've experienced. If you're searching for a place to unwind, a nature to explore or just a new sight to unravel, then Intramuros exhibits them all! So the next time you'll visit it, try to see things with new eyes and in a fresh way so that you'll appreciate history and adventure in the oldest bricks and memoires of the ruins of the walled city!

-30-

Martes, Enero 28, 2014


Ika-28 ng Enero 2014. - Inabisuhan muli ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga residente na nakatira sa tabi ng estero na kasalukuyang isinasagawang Clearing Operation.

Martes, Enero 21, 2014

Mamuhay sa Dilim

Isang gabi habang ako ay kasalukuyang bumabayahe sa LRT pauwi, nakatitig ako sa siyudad na aking binabagtas. Napakagandang pagmasdan ang mga ilaw na bumabalot hindi lamang sa kalakhang Maynila ngunit pati sa mga probinsiyang mga mata ko. Tunay na nakakagaan sa pakiramdam ang iba’t ibang kulay ng lungsod. 
Ngunit sa aking paglalakad pauwi sa aking tahanan, unti-unting dumidilim ang paligid. Nawawalan ng liwanag ang bawat gusali o establisyemento na dinadaanan ko. Hanggang sa tuluyan ng binalot ng dilim ang paligid at tanging ang liwanag ng buwan na lamang ang aking naaaninag. 
Nang mga oras na iyon, hirap na akong umusad mula sa  kinatatayuan ko. Tila pansamantalang naglaho ang paningin ko. Sinusundan ng dilim ang bawat ng tapak ng paa ko. At bigla akong may narinig na sigaw! Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Madaming boses! Sigaw na humihingi ng tulong, iyak ng mga sanggol. Pati alulong ng mga hayop. Nakakabingi. Nakakabahala. Ano bang nagyayari? Tagos hanggang kaluluwa ko ang mga ingay na aking naririnig. Hanggang kalian matatapos ito? Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya!

At bigla akong nagising. Panaginip lang pala. Ngunit sa nakaambang pagtaas ng kuryente ngayon, hindi malabong magkatotoo ang mga ito. At pag nangyari iyon, hindi panaginip ang aking naranasan kundi isang bangungot. Hindi lang sa akin, kundi pati sa mas nakakarami.

Samu’t saring petisyon at panawagan na ang laganap sa bansa dulot ng nagbabadyang pagtaas ng kuryente sa bansa. Ito ay pansamantalang naantala matapos mag-usad ng Temporary Constraining Order (TRO) ang Korte Suprema sa rate hike ng Manila Electric Company o Meralco.

Inaprubahan noong Disyembre 9 ng Energy Regulatory Commision ang pagtaas na umabot sa P4.15 kada kilowatthour (kWh) na nahahati sa tatlo: P2.41 kWh noong nakaraang Disyembre, P1.21 kWh sa Pebrero at P0.53 sa Marso.

At dahil sa kasalukuyang nakahain na TRO, nagbigay babala ang Meralco sa posibleng ‘rotational blackouts’kapag hindi sila nakapagbayad ng generation & transmission charges at maaaring maapektuhan ang ekonomiya at seguridad ng bansa.

Kung sakaling mang magkatotoo ito, sandamakmak na perwisyo ang mararanasan ng sambayanang Pilipino. Tila wala ng pagpipilian pa ang mga Pilipino. Kung hindi itataas ang presyo, nananakot sila na mawawalan ng suplay ng kuryente ng bansa. Ngunit kung nagpatuloy man ito, tiyak na aabusuhin ang pagkakataon. Hindi makatarungan ang pagtaas na ito. Maraming buhay ang tiyak na maaapektuhan. Ngunit dahil kakambal na ng pamumuhay ang ‘elektrisidad’ , mananatili tayong sakop ng kahinaan sa kagustuhang hindi mawalan ng suplay ng kuryente sa bahay. Asan na ang pangako nilang ‘may liwanag ang buhay?’

Walang pipiliin ang perwisyong maaaring idulot ng rate hike ng Meralco. Lahat tayo ay direktang apektado. Ngunit, panawagan sa mga kinauukulan, maging risonable sana kayo sa pagtaas ng presyo sa pangunahing pangangailangan ng tao. Hindi makakatulong ang pagtaas ng kuryente sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Dahil pag nagkataon, panaghoy ang aalingawngaw sa mga siyudad at bayan kapag nasakop ng dilim ang lugar na ating kinalalagyan.

Lunes, Enero 6, 2014

Video Blog : Facial Yoga 101

Hi, I'm Grace :) And this is my first video blog ever!
Pwede mag-explain? Labyu.
Low quality po. Nawala kasi yung raw mats ko. :( And, poor editing skills din. Forgive me!
Nakakahiya man yung exposure ko, sana may natutunan kayo!
Thank you for watching! God bless us all ☻

Miyerkules, Disyembre 25, 2013

Litanya - sa pagitan ng mga salita

                   Nabiktima ka na din ba ng mga salitang ito?

Retrieved December 16, 2013
http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/

Retrieved December 16, 2013
http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/



Retrieved December 16, 2013
9GAG.COM

    Sigurado akong lahat tayo ay nakapagsinungaling na. Lahat tayo ay nakaranas ng manloko sa ating kapwa sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan. Ngunit paano ba natin maipapaliwanag ito?

          Ang katanungang ito ay tinangkang ipaliwanag nina Buller, D.b., at Burgoon, J.K. sa kanilang teoryang Interpersonal Deception. "Interpersonal" na nangangahulugang komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao at “deception” na sa tagalong ay anumang uri ng pandadaya. Mula sa dalawang kahulugan na ito, ang teorya ay tumutukoy sa mga pandadaya o pagsisinungaling na madalas nating marinig mula sa maliit hanggang sa malalaking usapan ng mga tao Ito ay nagaganap kapag ang tagapagsalita ay naghahatid ng isang mensahe na may bahid ng kasinungalingan sa tagatanggap ng mensahe. Kadalasan, ang mga taong nandadaya ay nagmamanipula ng impormasyon na naipapahayag sa isang tapat at maayos na pamamaraan. 

          Sinasaad din sa teoryang ito na hindi lahat ng porma ng pagsisinungaling ay nananatiling lihim. Kadalasan, may mga butas o tagas pa din ang mga ito o sa madaling salita, nabubunyag o nabubulgar. Ayon sa “Leakage Hierarchy” nina  Miron Zuckerman at Robert Driver, maaaring makapandaya tayo sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon (pasalita man o pasulat) ngunit maaari din na kakitaan tayo ng butas sa pamamagitan ng ating pisikal na galawan (Hal: sobrang pagkakatitig sa mata ng kausap, patingin tingin sa kawalan, paulit ulit na kilos at ang biglaang pagbilis o pagbagal ng pananalita.)

          Mula sa aking nasaliksik at nalaman, masasabi ko na ang teoryang ito ay maaaring masabi bilang isang teoryang humanistic.  Tungkol sa tao at para sa tao. Sa kabilang banda, hindi ako ganun kakumbinsido sa katumpakan ng paraan para malaman kung ang isang tao ay nagmamamanipula ng impormasyon. Lahat ng tao ay paiba-iba pagdating sa kilos at galaw. Bandang huli, ang taong naghahatid ng mensahe lamang ang makakapagsabi kung siya ay nagsisinungaling o hindi.

          Ngunit bumalik tayo sa pinakamalaking tanong na walang lubusang kasagutan : Bakit nga ba tayo nagsisinungaling? Sa tingin ko ay hindi na natin kailangang iasa sa teorya ang sagot. Sapagkat ang dahilan ay natatago sa motibo ng tao sa kanyang ginagawang pandaraya.

          Naniniwala ako na gaya ng libog, pagkain, pag-inom at kung ano-ano pa, ang pagsisinungaling ay isa ring “human nature”. Kung saan lahat tayo ay nakakagawa, ginusto man natin o hindi. Parte na ng ating katauhan. Hindi na mawawala, gaano man natin iwasan.

  Tama o Mali?



Sources :
Interpersonal Deception. Honors : Communication Capstone Spring 2001 Theory Workbook. Retrieved December 16, 2013 from http://www.uky.edu/~drlane/capstone/interpersonal/deception.html

Deepa Majahan, et al. Interpersonal Deception Theory. Retrieved December 16, 2013 from http://www.angelfire.com/trek/voyager7/

Lunes, Disyembre 16, 2013

Litanya

                        Nabiktima ka na din ba ng mga salitang ito?


http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/


http://listdose.com/top-10-most-common-lies-people-speak/




9GAG.COM

Sigurado akong lahat tayo ay nakapagsinungaling na. Lahat tayo ay nakaranas ng manloko sa ating kapwa sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan.Ngunit ano nga ba ang dahilan ng mga ito?

Ang katanungang ito ay ang tinangkang ipaliwanag nina Buller, D.b., at Burgoon, J.K. sa kanilang teoryang Interepersonal Deception. "Interpersonal" na nangangahulugang komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa pagitang ng dalawa o higit pang tao at “deception” na sa tagalong ay anumang uri ng pandadaya. Mula sa dalawang kahulugan na ito o sa medaling salita, ang teorya ay tumutukoy sa mga pandadaya o pagsisinungaling na madalas nating marinig mula sa maliit hanggang sa malalaking usapan ng mga tao. Ito ay nagaganap kapag ang tagapagsalita ay naghahatid ng isang mensahe na may bahid ng kasinungalingan sa tagatanggap ng mensahe. Kadalasan, ang mga taong nandadaya ay nagmamanipula ng impormasyon na naidedeliber sa isang tapat at maayos na pamamaraan. 

Sinasaad din sa teoryang ito na hindi lahat ng porma ng pagsisinungaling ay nananatiling lihim. Kadalasan, may mg abutas o tagas pa din ang mga ito o sa madaling salita, nabubunyag o nabubulgar. Ayon sa “Leakage Hierarchy” nina  Miron Zuckerman at Robert Driver, maaaring makapandaya tayo sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon (pasalita man o pasulat) ngunit maaari din na kakitaan tayo ng butas sa pamamagitan n gating pisikal na galawan (Hal: sobrang pagkakatitig sa mata ng kausap, patingin tingin sa kawalan, paulit ulit na kilos at ang biglaang pagbilis o pagbagal ng pananalita.)

Mula sa aking nasaliksik at nalaman, masasabi ko na ang teoryang ito ay maaaring masabi bilang isang teoryang humanistic.  Tungkol sa tao at para sa tao. Sa kabilang banda, hindi ako ganun kakumbinsido s akatumpakan ng paraan para malaman kung ang isang tao ay nagmamamnipula ng impormasyon. Lahat ng tao ay inconsistent pagdating sa kilos at galaw. Bandang huli, ang taong naghahatid ng mensahe lamang ang makakapagsabi kung siya ay nagsisinungaling o hindi.

Ngunit bumalik tayo sa pinakamalaking tanong na walang lubusang kasagutan : Bakit nga ba tayo nagsisinungaling? Sa tingin ko ay hindi na natin kailangang iasa sa teorya ang sagot. Sapagkat ang dahilan ay natatago sa motibo ng tao sa kanyang ginagawang pandaraya.

Naniniwala ako na gaya ng libog, pagkain, pag-inom at kung ano-ano pa, ang pagsisinungaling ay isa ring “human nature”. Parte na ng ating katauhan. 





Sources :