Ika-28 ng Enero 2014. - Inabisuhan muli ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang mga residente na nakatira sa tabi ng estero na kasalukuyang isinasagawang Clearing Operation.
Martes, Enero 28, 2014
Martes, Enero 21, 2014
Mamuhay sa Dilim
Isang gabi habang ako ay kasalukuyang bumabayahe sa LRT pauwi, nakatitig ako sa siyudad na aking binabagtas. Napakagandang pagmasdan ang mga ilaw na bumabalot hindi lamang sa kalakhang Maynila ngunit pati sa mga probinsiyang mga mata ko. Tunay na nakakagaan sa pakiramdam ang iba’t ibang kulay ng lungsod.
Ngunit sa aking paglalakad pauwi sa aking tahanan, unti-unting dumidilim ang paligid. Nawawalan ng liwanag ang bawat gusali o establisyemento na dinadaanan ko. Hanggang sa tuluyan ng binalot ng dilim ang paligid at tanging ang liwanag ng buwan na lamang ang aking naaaninag.
Nang mga oras na iyon, hirap na akong umusad mula sa kinatatayuan ko. Tila pansamantalang naglaho ang paningin ko. Sinusundan ng dilim ang bawat ng tapak ng paa ko. At bigla akong may narinig na sigaw! Hindi lang isa. Hindi lang dalawa. Madaming boses! Sigaw na humihingi ng tulong, iyak ng mga sanggol. Pati alulong ng mga hayop. Nakakabingi. Nakakabahala. Ano bang nagyayari? Tagos hanggang kaluluwa ko ang mga ingay na aking naririnig. Hanggang kalian matatapos ito? Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya!
At bigla
akong nagising. Panaginip lang pala. Ngunit sa nakaambang pagtaas ng kuryente
ngayon, hindi malabong magkatotoo ang mga ito. At pag nangyari iyon, hindi
panaginip ang aking naranasan kundi isang bangungot. Hindi lang sa akin, kundi
pati sa mas nakakarami.
Inaprubahan
noong Disyembre 9 ng Energy Regulatory Commision ang pagtaas na umabot sa P4.15
kada kilowatthour (kWh) na nahahati sa tatlo: P2.41 kWh noong nakaraang
Disyembre, P1.21 kWh sa Pebrero at P0.53 sa Marso.
At dahil sa
kasalukuyang nakahain na TRO, nagbigay babala ang Meralco sa posibleng ‘rotational
blackouts’kapag hindi sila nakapagbayad ng generation & transmission
charges at maaaring maapektuhan ang ekonomiya at seguridad ng bansa.
Kung sakaling
mang magkatotoo ito, sandamakmak na perwisyo ang mararanasan ng sambayanang
Pilipino. Tila wala ng pagpipilian pa ang mga Pilipino. Kung hindi itataas ang
presyo, nananakot sila na mawawalan ng suplay ng kuryente ng bansa. Ngunit kung
nagpatuloy man ito, tiyak na aabusuhin ang pagkakataon. Hindi makatarungan ang
pagtaas na ito. Maraming buhay ang tiyak na maaapektuhan. Ngunit dahil kakambal
na ng pamumuhay ang ‘elektrisidad’ , mananatili tayong sakop ng kahinaan sa
kagustuhang hindi mawalan ng suplay ng kuryente sa bahay. Asan na ang pangako
nilang ‘may liwanag ang buhay?’
Walang pipiliin
ang perwisyong maaaring idulot ng rate hike ng Meralco. Lahat tayo ay direktang
apektado. Ngunit, panawagan sa mga kinauukulan, maging risonable sana kayo sa
pagtaas ng presyo sa pangunahing pangangailangan ng tao. Hindi makakatulong ang
pagtaas ng kuryente sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
Dahil pag
nagkataon, panaghoy ang aalingawngaw sa mga siyudad at bayan kapag nasakop ng
dilim ang lugar na ating kinalalagyan.
Lunes, Enero 6, 2014
Video Blog : Facial Yoga 101
Hi, I'm Grace :) And this is my first video blog ever!
Pwede mag-explain? Labyu.
Low quality po. Nawala kasi yung raw mats ko. :( And, poor editing skills din. Forgive me!
Nakakahiya man yung exposure ko, sana may natutunan kayo!
Thank you for watching! God bless us all ☻
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)